Ex-Pnoy, minadali ang pagbili sa Dengvaxia – Gordon
Minadali umano ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang pagbili ng Dengvaxia nang makipag-kita ito sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur sa Paris.
Ang naturang meeting umano ang naging signal na dapat ng agad simulan ang anti-dengue immunization program noong 2016.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Dengvaxia ay sinabi ni Sen. Richard Gordon na responsable o may papanagutan si Aquino sa umanoy rush o mabilisang pagbili ng Dengvaxia.
Nang makipag-usap anya ang dating pangulo sa Sanofi sa Paris, si dating Health Secretary Janette Garin ang siya lamang nanguna sa meeting pero si Aquino ang nagbigay ng signal para sa 3.8 billion peso procurement at ang paglabas ng 4.5 billion pesos na pondo para sa ibang proyekto.
Puna ni Gordon, matapos ang meeting ni Aquino at Sanofi officials ay naging mabilis ang timeline ng pagbili ng dengvaxia.
Una nang itinanggi ni aquino na minadali ang implementasyon ng mass immunization program gamit ang dengvaxia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.