Ex-PNoy at dating mga opisyal maaaring masampahan ng kasong murder dahil sa Dengvaxia – Gordon

By Marilyn Montaño March 14, 2018 - 04:37 AM

Maaaring masampahan ng kasong murder at reckless imprudence si dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal dahil sa mass immunization program gamit ang Dengvaxia.

Sa huling araw ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ng chairman ng komite na si Sen. Richard Gordon na dapat magsampa ng kaso ang mga magulang na ang mga anak ay namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.

Ayon sa senador, maaring magkaso kay Aquino at mga opisyal ang mga pamilya ng namatayan dahil sa Dengvaxia.

Maselan anya ang isyu kaya dapat na may magpaliwag ng naging papel ni Aquino sa dengue vaccination program.

Dagdag ni Gordon, pwede ring isama sa kaso ang manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur.

Bukod kay Aquino at mga opisyal ng Sanofi, sinabi ni Gordon na pwede ring papanagutin sina dating Budget Sec. Butch Abad at mga dating kalihim ng Department of Health na nagpatupad ng dengue immunization program gamit ang Dengvaxia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.