Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni House Deputy Speaker at Capiz Rep. Fredenil Castro na ang kaibahan ng isinusulong ngayon na Divorce Bill ay ipapawalang bisa nito ang kasal sa pamamagitan ng pagbalewala sa pagsasama at mababalik sa pagiging single ang dating mag-asawa.
Puna ni Castro, tila minadali ang interpelasyon ng panukalang batas kaya mabuti na ibinalik ito sa mas malalim na debate.
Itinanggi naman ng kongresita na ang Divorce Bill ay dahil sa mga mambabatas na may ibang karelasyon liban sa kanilang mga asawa.
Ilan sa mga grounds sa panukalang divorce ang mga kasalukuyan ng grounds ng legal separation sa ilalim ng Family Code.
Kabilang dito ang pambubugbog, pagpilit sa asawa na magpalit ng relihiyon at political affiliation, alcoholism, drug addiction at anim na taong pagkakulong.
Ang hindi pagsasama ng mag-asawa sa loob ng limang taon ay kasama rin sa grounds ng absolute divorce bill.