Nagbebenta ng marijuana arestado sa Iligan City

By Justinne Punsalang March 14, 2018 - 04:16 AM

File Photo

Arestado sa isang joint buy bust operation ang isang lalaking nagbebenta ng marijuana sa Barangay Palao sa lungsod ng Iligan.

Kinilala ang suspek na si Sebastian Redila, 25 taong gulang.

Ayon kay PO3 Marvin Poralan, nagsanib pwersa ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa pagbebenta ni Redila ng high-grade marijuana.

Narekober ng mga otoridad ang 45 pakete na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, isang tungkos ng dahon ng marijuana, at buy bust money.

Depensa ni Redila, inutusan lamang siya ng kanyang kaibigan na ibenta ang mga kontrabando na ipanggagamot umano sa batang mayroong sakit na epilepsy.

Mahaharap si Redila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.