Pinsan ni Reynaldo Parojinog patay sa pamamaril sa Ozamiz City

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem ang pinsan ng pinaslang na alkalde ng Ozamiz City na si Reynaldo Parojinog sa Barangay Tinago sa Ozamiz City.

Kinilala ang biktima na si Sandy Daroy, 39 na taong gulang.

Sa ngayon ay hindi pa batid kung ano ang motibo sa pamamaslang, kaya naman patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

Matatandaang kabilang si Parojinog sa 16 na napatay sa police operation nonog July 30, 2017 kung saan maghahain lamang dapat ng search warrant ang mga otoridad sa bahay ni Parojinog.

Read more...