ABS-CBN at CHED, nagkasundo na ukol sa teleseryeng ‘Bagani’

By Rhommel Balasbas March 14, 2018 - 03:13 AM

Naresolba na ang kontrobersiya sa paggamit ng terminolohiyang ‘Bagani’ bilang titulo ng bagong teleserye ng ABS-CBN.

Matatandaang pinagpapaliwanag ang istasyon sa paggamit nito partikular ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Ronald Adamat dahil sa umano’y kawalan ng kinalaman nito sa Indigenous Peoples (IP) yamang ang etimolohiya nito ay mababakas mula sa nasabing grupo.

Sa pahayag na inilabas ng ABS-CBN, sinabi ng istasyon na nagkaroon na ng dayalogo sa pagitan ng network, ng CHED at ng mga kinatawan mula sa IP noong Sabado, March 10, tungkol sa paggamit ng terminolohiyang ‘Bagani’.

Matapos ang diskusyon, napagtanto umano na hindi masama ang intensyon ng network sa paggamit sa naturang salita at hindi ito ginawang titulo ng serye para yurakan ang paniniwala ng mga katutubo.

Iginiit ng ABS-CBN na ang mga Indigenous Peoples ang inspirasyon sa paggamit ng ‘Bagani’ bilang tunay na mga mandirigma na handang ipagtanggol ang kanilang mga komunidad para sa kapayapaan.

Ayon pa sa network, nagkasundo ang lahat ng partido na magtutulong-tulong upang palaganapin ang kaalaman ng mga manonood sa kulturang Filipino at sa mga katutubo.

Simula ng ipalabas ang serye noong March 5 ay mayroon ding disclaimer ang ‘Bagani’ na ito ay kathang isip lamang at kinuha lamang ang inspirasyon sa Filipino mythology at hindi tumutukoy o nagrerepresenta sa mga Indigenous Peoples sa bansa.

TAGS: ABS-CBN, Bagani, CHED, indigenous peoples, ABS-CBN, Bagani, CHED, indigenous peoples

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.