Nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na mahigpit nilang ipinapatupad ang ordinansa na nag-aatas sa lahat ng mga residente at mga establisyimento sa Boracay Island na kumunekta sa isang sewerage system.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, taong 2012 pa ay mayroong Ordinance 307 ang Malay Local Government pero hindi naman ito naipatutupad.
Sa ilalim ng nasabing ordinansa, ang mga residente at establisyimento na may layong 61 meters mula sa sewerage pipes ay dapat nakakonekta sa sewerage treatment plants at septic tanks.
Ayon kay Cimatu, sa kabila ng umiiral na ordinansa, napabayaan ang Boracay dahil sa dumi na naitatapon sa nasabing tourist spot.
Lumilitaw na 195 sa 578 business customers ng Boracay Island Water Corp. ang hindi hindi nakakonekta sa sewerage infrastructure ng isla.
Habang limang porsiento lamang ng kabuuang 4,331 ng residential customers nito ang konektado sa sewerage infrastructure.