Isang milyong ektarya ng palayan pupunuin ng hybrid rice
Plano ng Department of Agriculture na taniman ng hybrid rice ang isang milyung ektaryang lupang sakahan sa iba’t ibang panig ng bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Ito ay alinsunod sa programang Masaganang Ani 200 ng ahensya.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng hybrid rice pera mai-angat ang rice productivity sa bansa.
Naniniwala rin ang kalihim na maraming magsasaka ang magugustuhan ang hybrid rice na inaasahang magpapalaki sa kanilang ani at kita.
Nagsimula na rin ang pag-ani ng hybrid rice sa Lubao, Pampanga gamit ang SL8H super hybrid seeds ngayong taon.
Malaki umano ang maitutulong nito para maibaba ang rice imports ng bansa ayon sa kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.