Sa iskor na 104-91 umabante ang Warriors at lamang na sa standing na 3-2.
Umabot sa 37 puntos ang nai-ambag ni Curry na pinakamataas na iskor nito sa loob ng limang laban. Kabilang dito ang pitong 3-pointers.
Si Lebron James naman ng Cavs ay nakapagtala ng 40 points, 14 rebounds at 11 assists.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Golden State Warriors para makuha ang pinaka-aasam nitong kampeonato.
Sakaling magwagi sa game 6 na gaganapin sa Miyerkules ng umaga (Philippine Time) at tuluyang mag-champion ito ang unang pagkakataon na makukuha ng Warrios ang kampeonato simula noong 1975. / Dona Dominguez – Cargullo