Mga anti-Sereno group sa judiciary pinatatahimik ni Lagman

Inquirer file photo

Hinikayat ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mga mahistrado ng Korte Suprema na huwag nang nakilahok sa isyu ng pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno para maiwasan na ang pagkakawatak-watak ng korte.

Ayon kay Lagman, dapat panatilihin ng mga mahistrado ang kanilang dignidad, impartiality at self-respect sa halip na magpakita ng suporta laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nagpalala din anya ng sitwasyon ang ginawa ng mga kawani ng Supreme Court noong Lunes kung saan nagsuot ang mga ito ng pulang t-shirt at necktie sa presensya ng mayorya ng mga mahistrado.

Hindi rin anya dapat magpa-pressure ang mga hukom at empleyado ng mga lower courts upang ipanawagan ang pagbibitiw ng Chief Justice.

Gayunman, sinabi ni Lagman na maari naman ang pagbibigay ng mga opinyon dahil bahagi ito ng freedom of speech pero ang tahasang pagpapakita ng pagkasuklam ay dapat iwasan lalo na kung ito ay resulta lamang ng pressure at partisan.

Idinagdag pa ni Lagman na dapat gumulong ang impeachment process laban kay Sereno na hindi nagdudulot ng pagkakahati-hati ng hudikatura at ng bansa.

Read more...