Nagpadala na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga aircraft accident anvestigators para siyasatin ang pagbagsak ng isang trainer aircraft na pag-aari ng WCC Aviation.
Ang eroplano ay isang Cessna C152 series na may registry number na RP-C53 na nasunog ang 40 porsyento nito.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente ilang sandali matapos na mag-take off at bumgsak ang eroplano sa Brgy. Linmansangan malapit sa Binalonan Airport runway 35 sa lalawigan ng Pangasinan kaninang 7:30 ng umaga.
Dalawa ang pasahero ng eroplano na kinabibilangan ng isang flight instructor at isang student pilot na bagaman nagtamo ng 2nd degree burn ay ngayo’y nasa mabuti nang kalagayan at ginagamot sa Sacred Heart Medical Center sa Urdaneta, Pangasinan.
Ang imbestigasyon ay pangungunaham ng mga lead investigator ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) na sina Col. Rommel Ronda and Harry Panadero.