Lugar na madalas puntahan ng mga militante sa QC nilagyan ng police outpost

By Jong Manlapaz March 13, 2018 - 01:08 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Isang police outpost ang itinayo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Elliptical Road sa na madalas kampohan ng mga militanteng grupo.

Ayon kay DAR Sec. John Castritiones, hiniling nila sa lokal na pamahalaan ang pagpapatayo ng outpost lalo na at maraming tao ang ang dumaan sa lugar.

Nilinaw pa ng kalihim na hindi na ngangahulugan ito na pagbabawalan na ang mga militante na magsagawa ng kilos protesta sa lugar.

Gayunman, hindi na umano papayagan ang pagkakampo sa lugar gaya ng ginagawa ng ilang mga militanteng magsasaka.

Ayon naman kay Vice Mayor Joy Belmonte, masaya sila na napatayo na ang nasabing outpost para mapabilis ang pagresponde ng mga pulis sa lugar sa mga mabibiktima ng krimen.

Plano naman ng QCPD na magdagdag pa ng tatlo pang outpost sa buong Elliptical Road.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DAR, Elliptical Road, police outpost, Radyo Inquirer, wuezon city, DAR, Elliptical Road, police outpost, Radyo Inquirer, wuezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.