WATCH: Tatlong dam sa Luzon hindi muna magsu-suplay ng tubig sa irigasyon

By Jong Manlapaz March 13, 2018 - 12:21 PM

Bustos Dam

Tatlong buwang ipapatigil ng National Irrigation Administration (NIA) ang pagpapadaloy ng tubig sa irigasyon na nanggagaling sa Bustos Dam sa Bulacan, Pantabangan Dam sa Pampanga at Magat Dam sa Isabela.

Ayon kay NIA Manager Filipina Bermudez na tagapagsalita ng NIA, sa Bustos Dam pitong bayan ang apektado, habang sa Pantabangan ay 100-libong ektarya sakahan habang 80-libong ektaryang palayan naman sa lalawigan ng isabela

Sinabi pa ni Bermudez na naglabas na sila ng abiso para dito noon pang nakalipas na buwan ng Oktubre.

Hinikayat din nila ang mga magsasaka na sumunod sa cropping season mula pa noong Oktubre hanggang Pebrero o bago sumapit ang panahon ng tag-init.

Uumpisahan ang pagpapatigil ng daloy ng tubig mula sa tatlong dams patungo sa mga irigasyon sa March 31, 2018.

Paliwanag ng nia, isinagawa ito batay na rin sa mga napagkasunduan sa isinagawang serye ng stakeholders meeting noong 2017.

Ito aniya ay para sa gagawing rekonstruksyon ng namabggit na mga dam kasunod na rin ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na libre na ang patubig sa mga magsasaka sa buong bansa mula pa noong 2017.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bustos Dam, Magat Dam, NIA, Pantabangan Dam, Bustos Dam, Magat Dam, NIA, Pantabangan Dam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.