Pagbasura ng prosecution panel sa drug cases ni Kerwin Espinosa, hindi pa dumadaan sa review ni Aguirre

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 13, 2018 - 11:33 AM

Hindi pa sumasailalim sa review ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang ginawang pagbasura ng prosecution panel sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga laban kay Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.

Ito ay sa kabila ng December 20, 2017 pa nang madesisyonan ng prosecution team ng DOJ ang nasabing kaso.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Aguirre, mahahawakan lang niya ang kaso kapag mayroon nang naghain ng petition for review.

Sa ngayon aniya, hindi pa niya maaring pakialaman ang kaso at hindi rin siya pwedeng magbigay ng pahayag tungkol sa merito ng kaso.

Tiniyak naman ni Aguirre na aaraling mabuti ang kaso sa sandaling makarating na ito sa kaniyang tanggapan.

 

 

 

 

TAGS: DOJ, drug cases, kerwin espinosa, peter co, Peter Lim, Vitaliano Aguirre, DOJ, drug cases, kerwin espinosa, peter co, Peter Lim, Vitaliano Aguirre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.