Maganda ang lagay ng panahon sa buong linggo ayon sa PAGASA
Walang bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo at inaasahang magiging maganda ang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Batay sa datos ng Japan Meteorological Agency, ang bagyo na nasa Pacific Ocean na may international name na Choi-wan ay kumikilos sa direksyong west northwest.
Inaasahan umanong didrestro ito ng Japan at hindi na dadaan ng Pilipinas.
Inaasaha din na lalakas pa ang nasabing bagyo at magiging isang Typhoon pero walang magiging epekto sa bansa.
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na magiging storm-free ang Pilipinas hanggang sa Biyernes.
Sa kabila nito, makararanas pa rin ng mga pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa mga mamumuong isolated thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.