Ayon sa senador, mismong si Kerwin ang umamin sa pagdinig sa senado na siya ay sangkot sa illegal drug trade kaya nakapagtatakang ang isang self-confessed drug lord gaya niya ay pinawalang sala.
Ayon kay Poe, kung ang dahilan ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan ay ang pagiging self-serving at hindi nagtutugmang pahayag ng testigo sa kaso, dapat ay ginamit aniya ng prosekusyon ang lahat ng paraan upang makakuha ng dagdag na testigo at mas marami pang ebidensya.
Hindi aniya dapat nagkasya na lang ang prosekusyon sa pahayag ng testigo.
Dagdag pa ni Poe, kung ang pasyang ito ng prosecution panel ay pagtitibayin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay maituturing itong insult sa pulisya.