Drug suspect patay sa buy-bust operation sa Antique

Police banner

Patay ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Antique, makaraang umano’y manlaban.

Nagkasa ng buy-bust ang mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement team ng San Jose Police sa Antique at Philippine Drug Enforcement Agency laban sa suspek na si Alyas Kabong, 36-anyos.

Nang matunugang pulis ang kaniyang katransaksyon ay nagpaputok ng baril si Kabong.

Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para siya ay masawi.

Nakuha mula sa susupek ang 21 maliliit na sachet ng shabu at kalibre 45 na baril na may magazine at mga bala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...