Etta kay Digong: Tigilan na ang mga pasaring

By Chona Yu March 13, 2018 - 09:29 AM

Pinayuhan ni dating Commission on Human Rights (CHR) Chairman Etta Rosales si Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang pagpapasaring sa special rapporteur ng United Nations (UN) dahil ito ang dahilan ng pagdami umano ng mga tumutuligsa sa pangulo lalo na sa usapin ng human rights.

Ayon kay Rosales na isa ring professor, hindi angkop sa pangulo ng bansa ang paggamit ng mga katagang hindi kaaya-aya, tulad ng pagmumura at kawalan ng respeto sa kababaihan.

Ilan sa mga naging pahayag ng pangulo na ayon kay Rosales ay hindi nababagay ay ang pamimintas kay UN special rapporteur Agnes Callamard at ang walang gatol na pagsasabing dapat barilin sa ari ang mga babaeng miyembro ng New People’s Army.

Sinabi ni Rosales na obligasyon ng pangulo na kunin ang respeto ng publiko at maging ng international leader.

 

 

TAGS: Etta Rosales, Rodrigo Duterte, Etta Rosales, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.