P10M halaga ng iba’t ibang uri ng hayop, nasabat ng NBI at DENR sa Pasay

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 13, 2018 - 06:45 AM

Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang bahay sa Pasay City.

Nang mapasok ang isa sa mga kwarto ng bahay, tumambad sa mga otoridad ang nasa 300 iba’t ibang uri ng hayop na tinatayang nasa P10 milyon ang halaga.

Kabilang sa mga nakuha sa bahay ang iba’t ibang uri ng ibong Cockatoo kabilang ang Sulphur-crested, moluccan at black palm.

Kasama rin sa nakuha rainbow lory at black-capped lory na itinuturing nang endangered species.

Nadiskubre rin ang mga sugar glider, tatlong juvenile ostrich, at dalawang baby kangaroo.

Galing Indonesia umano ang nasabing mga hayop.

Naaresto sa nasabing operasyon ang tatlong caretaker at itinuturong may-ari ng bahay.

Ayon sa DENR, ang suspek ay dati nang na-convict dahil sa ilegal na pag-aalaga at pagbebenta ng hayop.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: baby kangaroo, black palm., Cockatoo, moluccan, sugar glider, Sulphur-crested, tatlong juvenile ostrich, baby kangaroo, black palm., Cockatoo, moluccan, sugar glider, Sulphur-crested, tatlong juvenile ostrich

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.