Luzon kabilang ang Metro Manila apektado pa rin ng Northeast Monsoon

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 13, 2018 - 06:26 AM SHARE(S):

Magiging malamig at maaliwalas pa rin ang panahon ngayong araw sa Luzon dahil apektado pa rin ito ng Hanging Amihan o Northeast Monsoon.

Ayon sa PAGASA, walang anumang sama ng panahon na papalapit sa bansa sa susunod na mga araw.

Ngayong araw, ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera, Bicol at lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Amihan.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan dahil din sa Amihan.

Habang sa Eastern Visayas at Caraga Region, umiiral ang tail-end ng cold front na magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

 

 

 

TAGS: Northeast monsoon, pagasa, Radyo Inquirer, tail-end of cold front, weather, Northeast monsoon, pagasa, Radyo Inquirer, tail-end of cold front, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.