Rapper, 2 iba pa arestado sa buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang March 13, 2018 - 02:37 AM

 

Nilusob ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 ang bahay ng isang drug suspek sa Barangay San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.

Pagpasok ay naaktuhan pa ng mga otoridad ang dalawang lalaki sa gitna ng pot session.

Kinilala ang pangunahing target ng operasyon na si Bingo Arispe alyas Palos, 19 na taong gulang. Habang ang mga naabutang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay sina Alexis Baniqued, 29 na taong gulang, isang umanong rapper at Melvin Tacuyan, 28 taong gulang.

Ayon kay QCPD Station 7 Drug Enforcement Unit chief, Police Chief Inspector Ramon Acquiatan, narekober mula sa mga suspek ang 14 na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Depensa naman ni Baniqued, dala ng depresyon ang kanyang paggamit ng shabu. Aniya, namomroblema kasi ang kanyang pamilya dahil nakakulong ang kanyang kapatid dahil pa rin sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Mahaharap ang tatlong mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.