Jessy Mendiola, umaming na-depress dahil sa mga bashers

By Jay Dones March 13, 2018 - 12:02 AM

 

IG/@senyorita_jessy

Inamin ni Jessy Mendiola na nakaranas siya ng depresyon matapos umani ng pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa kanyang katawan noon.

Sa isang post sa social media, sinabi ni Jessy na labis niyang dinamdam noon ang mga pamba-bash sa kanya ng mga tao.

Una aniya, kanyang inakala na mahihinto na ang mga negatibong komento nang manalo siya bilang number 1 sexiest sa isang sikat na men’s magazine.

Gayunman, lalo pa aniya nagpatuloy ang mga banat ng mga netizen at pinukol pa siya ng kung-anu anong masasakit na salita ukol sa kanyang katawan.

Dahil dito, labis aniya siyang nakaramdam ng kalungkutan na nakaapekto rin sa kanyang trabaho.

Sa kabila nito, sinikap niyang muling bumangon at sa pamamagitan ng pag-aalaga sa katawan at ehersisyo, ay nagawa niyang maibalik sa dati ang kanyang katawan.

Payo pa ni Jessy sa mga kababaihang nagiging biktima ng pambubully at body shaming, panatilihin lamang ang pagmamahal sa sarili sa kabila ng mga batikos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.