4 na hostage sa Zamboanga del Norte, pinalaya ng mga kidnappers

By Jay Dones March 13, 2018 - 02:33 AM

 

Nakalaya na sa kamay ng kanilang mga kidnapper ang apat na hostage victims sa Sirawai, Zamboanga Del Norte.

Nakita na lamang ng mga residente ng Barangay Libucon ang mga kidnap victims na iniwan na lamang umano ng mga hostage takers sa Barangay Libucon, Lunes ng hapon.

Ayon kay Major Roseller Murillo, commander ng Task Force Zampelan, nasa ligtas na kalagayan ang mga hostage na sina Roger Jung-an, Jomar Maglangit, Jomar Mantangan at Raymond Purisima.

Ang mga ito ay pormal na iti-nurn over ng mga residente sa mga tauhan ng 42nd Infantry Battalion matapos makitang palakad-lakad sa lugar.

Ang apat ay unang kinidnap ng mga armadong suspek habang nagpuputol ng punong kahoy sa Barangay Panabutan noong March 3, 2018 kasama ang ikalimang hostage na si Mario Rosales.

Si Rosales ay una nang nasawi nang tamaan ng bala sa gitna ng pursuit operations ng militar laban sa mga kidnappers noong nakaraang linggo.

Una nang humingi ng P10 milyong piso bilang ransom demand ang grupo ng mga kidnappers sa pangunguna ng isang Jamilon Wahab para sa kalayaan ng mga biktima.

Gayunman, kalaunan ay pumayag umano ang mga hostage takers na ibaba ito sa halagang P15,000 bawat bihag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.