Pinakamalamig at pinakamainit na temperatura, naitala kahapon

By Justinne Punsalang March 13, 2018 - 01:26 AM

 

Naitala ang pinakamalamig at pinakamainit na temperatura sa bansa para sa 2018 kahapon, araw ng Lunes.

Ayon sa PAGASA, 11.2 degrees Celsius ang naging temperatura sa Baguio City kahapon ng umaga.

Habang 35.4 degrees Celsius naman ang temperatura sa General Santos City, ngunit nasa 40 hanggang 41 degrees Celsius ang naitalang heat index o naramdamang init.

Dagdag pa ng PAGASA, mararanasan ang patuloy na malamig na panahon sa Baguio hanggang sa unang linggo ng April.

Samantalang dahil sa init na nararamdaman sa GenSan ay naghahanda na ang kanilang city agriculture office, maging mga magsasaka sa mga negatibong epekto ng tuyong panahon.

Bahagi ng kanilang paghahanda ang maagang pag-ani ng mga pananim ng ilang magsasaka.

Paalala pa ng mga otoridad, dapat ay mag-ingat ang lahat sa mga epekto ng sobrang init at sobrang lamig, pati na rin ang pabago-bagong temperaturang nararamdaman sa ibang bahagi ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.