I will not resign, hangga’t ako ay may lakas lalabanan ko ito – Sereno

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 12, 2018 - 11:30 AM

Kuha ni Mark Makalalad

I will not resign.

Ito ang sagot ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos ipanawagan sa flag raising ceremony sa Korte Suprema ang kaniyang pagbibitiw sa pwesto.

Nakalulungkot ayon kay Sereno na nadala ng ‘pressure’ ang ilang mga hukom at mga empleyado, gayunman, pinaghuhugutan umano niya ng pag-asa ang marami pa ring hukom na tumatangging magpagamit at pinapanatili ang independence ng hudikatura.

Bagaman ang pagbibitiw aniya ay madaling opsyon para sa kaniya, hindi naman niya ito planong gawin.

Sinabi ni Sereno na kung magbibitiw siya sa pwesto ay manganahulugan itong hindi niya pinaninindigan ang rule of law.

Dagdag pa ni Sereno, hindi naman siya ang nagsimula ng gulo.

Aniya hangga’t may lakas siya ay ipaglalaban niya ang impeachment hanggang sa ito ay matapos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: impeachment, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Supreme Court, impeachment, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.