Ang usapin ng contractualization ay hindi matapus-tapos dahil sa ang totoo ay hindi pa tapos ito. Umamin na rin ang pamahalaan na bagaman ang layunin at ganap itong matuldukan.
Ang totoo, ang service contracting ay nananatiling isang aktibo at lehitimong industriya na sakop ng sektor ng paggawa.
Maraming mga manggagawa ang may hanapbuhay sa pamamagitan ng service contracting at sa maniwala kayo o hindi, para sa kanila, mas mainam ito kaysa sa walang trabaho, at sa maniwala kayo at sa hindi, may mga benepisyong nakakamtam din ang mga manggagawa na nagkaroon ng trabaho sa pamamagitan ng mga service providers o service contractors. Hindi na ako lalayo, may dalawa akong kakilala na ganito ang sitwasyon.
Tawagin natin siyang Christian. Pumasok siya sa kumpanyang nasa industriya ng broadcasting. Driver ang kanyang pinasukang trabaho sa pamamagitan ng isang service contractor o mas kilala sa tawag na manpower agency o manpower service provider. Dati ay wala siyang trabaho, mga tatlong buwang walang trabaho, nganga kung baga, eh ang misis, manganganak na, so paano na?
Nakapasok siya bilang driver sa pamamagitan ng manpower agency sa madaling salita. Sa broadcast company na kanyang pinasukan, nagkaroon siya ng pagkakataong makibahagi sa iba;t ibang pagsasanay, on the job per se, sa mismong trabaho, at mga hiwalay na pagsasanay o training na nagpa-akyat ng kanyang kakayanan at kaalaman bilang manggagawa sa sa broadcast industry. Inisyatiba ito ng kumpanya na kung saan siya pinasok ng service contractor. Pero dahil dito, nagkaroon siya ng mas mataas na pagkakataon o tsansa na mas makapasok sa mas mataas na puwesto, from driver to cameraman, ibang kumpanya, pero sa mas mataas na rate na, sa pamamagitan pa rin ng naturang service contractor o manpower agency.
Yun ang medyo natatabunang katotohanan sa industriya ng service contracting. Minus the security of tenure ng mga empleyado, ang totoo may mga benepisyo silang natatanggap.
Praktikal na usapan lang, parang lumalabas, may job security rin ang mga manggagawa na nagkatrabaho sa pamamagitan ng mga service contractors. Pag tapos na sa isang kumpanya, sila rin ang hahanap ng paglilipatan sa mangagawa sa iba namang kumpanya, na nababatay na sa umuunlad nilang karanasan at kaalaman. Yung kaso ni Christian, pagsasanay na nakuha niya sa kumpanyang pinagpasukan sa kanya ng manpower agency, ngunit nang ililipat na siya sa ibang kumpanya, isinasalang-alang yung pag-unlad ng kanyang karanasan at kaalamam, kaya mas mataas na sahod ang naibigay sa kanya sa kanyang nilapatan.
Ang hindi masyadong natatalakay at nababalita ay ang katotohanan na ang mga service contracting companies ay tumutugon at in some cases, hinihigitan pa ang mga itinakda ng bagong Department Order (DO) No. 174 na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong nakaraang taon.
Ilan sa mga ito ang “security of tenure,” kung saan ang work status ng isang manggagawa hired through service contracting ay protektado. Sa ilalim ng DO 174, ang karapatan ng mga manggagawa sa trabaho ay sinisiguro at ito ay sinusunod ng mga service contractor sa pamamagitan ng isang “probationary-to-regular employment arrangement’ dahil ang “co-terminus engagement” sa service contract ng employer at ng principal ay tinanggal na. Kahit ang panahon para hanapan ng service contractor ng trabaho ang isang natanggal na empleyado ay mas pinaikli pa mula sa anim na buwan at naging tatlong buwan na lamang. Sa kaso ni Christian, isang buwan lang, may bago na siyang trabahao agad at mas mataas pa ang sahod dahil may mga karagdagang kaalaman na siya.
Ang mga batas sa pasahod na itinakda ng National Wages and Productivity Council ng DOLE pagdating sa minimum wage requirement, at iba pang mga benepisyo na iniuutos ng gobyerno, ay naibibigay naman ng service contractors. They should, it is a compliance of their existence. Meron din silang sick at vacation leave, maternity at paternity leave, service incentive leave, at 13th Month Pay.
Not a regular employee, yes, but benefits wise, usapang totoo, meron, meron, meron.
Praktikal na usapan lang, hindi ba dahil sa trabahong ito, minus the security of tenure, hindi ba yung mga basic needs and obligations ng manggagawa ay natutugunan tulad ng pambayad sa upa ng renta ng bahay, pag-aaral ng mga anak, baon, pamasahe, projects ng mga anak na estudyante, pagkain sa mesa, at teka, aminin, may pang cellphone, cellphone load, at cable budget pa nga!
Totoong mahirap ang buhay, tumataas ang mga presyo ng bilihin at serbisyo, pero, may luho on the side, kaya hindi ba? Naisisingit, isinasama, hindi ba?
Sa mas malaking larawan o pananaw, the bigger picture sabi nga, the issue of labor contractualization can be viewed on several windows. Lahat iyon totoo at may sinasandigan.
Totoong may mga pang-aabuso at pang-aagrabyado na mga naitala sa mga nakalipas na panahon sa industriya ng service contractors, ngunit sa pagdaan ng panahon, lalo na sa pagtututok dito ni Labor Secretary Silvestre Bello III, marami na ang mga naging pagbabago.
Pasok na ang mga salitang, benepisyo, intensibo, pagsasanay, at pag-unlad na labas sa tadisyunal na regular employee status. This kind of flexibility for workers is a global trend. Ang tradisyunal na pamamaraan ay nagbabago. Depende sa tumitingin at kung saan tinitignan, ang pagbabago ay puwedeng kahinaan, o kalakasan, pag-urong, o pag-usad. (wakas)