Dagdag na 1.5-km sa Laguna Lake Highway, binuksan na
Nabuksan na ang karagdagan pang 1.5-kilometer na bahagi ng Laguna Lake Highway na kilala rin sa tawag na C6 o Circumferential Road 6.
Isinagawa ang ceremonial opening ng karagdagang bahagi ng kalsada Lunes ng umaga sa pangunguna ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.
Ang Laguna Lake Highway ay matatagpuan sa kahabaaan ng Laguna de Bay, at layon nitong pabilisin ng 30-minuto na lamang ang travel time mula sa Bicutan hanggang sa Taytay, Rizal.
Ito rin ang kauna-unahang major highway sa bansa na mayroong malaking espasyo para sa mga nagbibisikleta.
Sa ngayon, 6 kilometers na ng kalsada ang nagagamit ng mga motorista mula sa ML Quezon Avenue hanggang sa Napindan Bridge sa Taguig City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.