6 na bahay nasunog sa Pasig City

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 12, 2018 - 10:29 AM

Tinupok ng apoy ang anim na bahay sa Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City, Lunes ng umaga.

Nagsimula ang sunog bago mag-alas 2:00 ng madaling araw sa Sandoval Street na umabot sa 2nd alarm.

Mabilis na kumalat ang apoy na pinaniniwalaang nagmula sa bahay ng isang Joel Pintang.

Ayon kay Pintang, nagising na lamang siya na malakas na apoy sa kaniyang kwarto.

Aminado naman si Pintang na nakikikabit lang sya ng kuryente sa kaniyang kapitbahay.

Pasado alas 2:00 ng madaling araw nang maideklarang fire out na ang sunog.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barangay Pinagbuhatan, fire incident, Pasig City, Radyo Inquirer, Barangay Pinagbuhatan, fire incident, Pasig City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.