Ayon kay South Cotabato police director Sr. Supt. Jose Briones, ito ay bahagi ng mas pinaigting na seguridad sa probinsya matapos ang pagpapasabog sa bus na naganap kamakailan lamang sa Polomolok, South Cotabato na ikinasugat ng 18 pasahero.
Ani Briones, dalawang lalaki ang naglagay ng improvised explosive device (IED) sa bus na sumabog sa Yellow Bus Lines (YBL) na patungong General Santos City.
Ang nasabing direktiba ay para rin maiwasang makasakay ang mga pasaherong hindi dumaan sa inspeksyon sa mga terminal.
Base sa ticket na binigay ng kundoktor na si Samuel Batol, ang dalawang nasabing pasahero ay sumakay makaraang umalis ang bus sa Tupi town terminal, at bumaba sa Polomolok kung saan sumabog ang IED.
Wala pa ring malinaw na ginagawang pagtukoy ang mga pulis sa kung sino ang nasa likod nito pero pinaghihinalaan nila na baka ito ay gawa ng Al-Khobar extortion gang na naka base sa Maguindanao na pinagdidiskitahan ang mga kumpanya ng bus tulad na lang ng YBL para mangikil ng protection money.