Dela Rosa hindi gagamitin ang subpoena powers; ipauubaya na lang sa CIDG ang pag-iisyu nito
Hindi gagamitin ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang subpoena powers na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, sa halip na makielam sa mga kaso, ipapaubaya nya na lang sa Director at Deputy Director for Administration ng Crime Investigation and Detection and Group (CIDG) ang pag-iisyu ng subpoena.
Paliwang pa ni Bato, hindi sya gagamit ng subpoena powers nang sa gayon ay mapawi rin ang pangamba ang mga kritiko na baka maabuso lang ang kapangyarihan na ito.
Aniya, gagamitin nya lang ito sakaling wala sa bansa ang dalawang opisyal para hindi magkaroon ng “delayed justice” sa mga naka-pending na kaso.
Samantala, iginiit naman ni Dela Rosa na malaki ang maititulong ng subpoena powers na ibinigay sa kanila.
Sa pamamagitan daw kasi nito ay mareresolba ang mga cold cases at hindi na sila mahaharap sa blank wall.
Sa ngayon, wala pang target ang PNP na pag-isyuhan ng subpoena pero asahan na raw na sa mga susunod na araw ay magiging aktibo sila lalo na sa mga kaso na may sangkot na high profile na tao.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang subpoena powers na ipinagkaloob sa PNP ay hindi gagamitin laban sa publiko.
Aniya, iiral pa rin ang judicial process at mananatili ang rule of law sa bansa.
Iginiit din ni Roque, sa pamamagitan ng ‘petition for certiorari’, maaring kwestyunin ang subpoena
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.