Dating SP Juan Ponce Enrile, malaking tulong sa prosecution team para ma-convict si CJ Sereno
Welcome para kay House Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu ang pagging miyembro ng private prosecution team ni dating Senate President Juan Ponce Enrile laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Abu, malaking tulong sa kamara ang pagiging presiding judge ni Enrile sa impeachment ni dating CJ Renato Corona upang maipa-convict si Sereno.
Bukod pa rito aniya ang pagiging eksperto ni Enrile sa Saligang Batas.
Tinawag pa ni Abu na isa sa legal giants ng bansa si Enrile dahilan upang maging kumpyansa ang Kamara na mapapatalsik ang punong hukom.
Sinabi naman ni House Justice Committee Chair Reynaldo Umali na malaking tulong sa prosecution team si Enrile partikular sa paggawa ng mga estratehiyang legal gayundin ang pagbibigay ng mataas na kalidad ng legal services.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.