Zamboanga International Airport pinasasailalim sa rehabilitasyon ng DOTr
Matapos ang isinagawang sorpresang inspeksyon, nadismaya ng husto si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa kondisyon ng Zamboanga International Airport (ZIA).
Kasama ni Tugade sa inspeksyon sa paliparan Aviation Undersecretary Skee Tamayo at iba pang opisyal ng CAAP.
At kabilang sa mga napansin ni Tugade ang napakaliit na baggage carousel at ang kakulangan sa gang chairs at passenger seat sa boarding areas.
May mga nadiskubre ding mga lubak si Tugade sa runway ng paliparan.
Para agad masolusyonan ang problema, ipinag-utos ng kalihim ang rehabilitasyon sa paliparan kabilang ang pagbili ng mga bagong gang chair, at bagong baggage carousel.
Sa galit ni Tugade sinabihan niya ang mga opisyal sa paliparan na pag-uuntugin ang kanilang mga ulo kapag bumalik siya at hindi pa rin maayos ang sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.