Mga nasawi sa bakbakan ng BIFF at militar sa Maguindanao, posibleng tumaas pa ang bilang

By Mark Makalalad March 12, 2018 - 07:47 AM

Posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa bakbakan sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng mga militar sa Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col Gerry Besena, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army at commander ng vivil military operations, marami pa ang hindi nakukumpirmang bilang ng mga nasawi sa nangyaring engkwentro.

Sa ngayon kasi maliban sa 44 na patay at 26 na sugatan mula sa grupo ng BIFF ay mayroon silang natanggap na ulat na may mga residente sa Datu Saudi Ampatuan na nakakita na may mga BIFF na may bitbit na bangakay ng kanilang mga kasama.

Kasunod nito, sinabi ng opisyal na determinado ang kanilang hanay na sugpuin ang terorismo sa lugar na naghahasik ng kaguluhan.

Nitong nakaraang linggo lang, nakasagupa ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ng Army ang BIFF na nasa pamumuno ni Commander Peni.

Tumagal ng ilang oras ang bakbakan kung saan nagkaroon pa ng reinforcement bago natalo ang mga BIFF.

Samantala, sa panig naman ng gobyerno ay wala naman naitalang patay at isa lamang ang nasugatan.

 

 

 

 

TAGS: BIFF, Datu Saudi Ampatuan Maguindanao, military, Radyo Inquirer, BIFF, Datu Saudi Ampatuan Maguindanao, military, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.