Hanging Amihan lumakas pa, maraming lugar sa Luzon nakaranas ng malamig na panahon nitong weekend

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 12, 2018 - 06:15 AM

Bago ang pagsapit ng panahon ng tag-init, muling lumamig ang temperatura sa bansa dahil sa paglakas ng amihan.

Nitong nagdaang weekend, nakaranas ng malamig na panahon sa maraming lugar sa Luzon.

Ngayong araw sinabi ng PAGASA na apektado pa rin ng Northeast Monsoon ang Cordillera Administrative Region (CAR), Bicol Region, Cagayan Valley, Eastern Visayas at lalawigan ng Aurora at Quezon gayundin ang Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.

Samantala sa Mindanao at sa nalalabi pang bahagi ng Visayas ay iiral ang localized thunderstorms.

Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng sa kalagitnaan ng Marso ay magdeklara na ng panahon ng tag-init sa bansa.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Northeast monsoon, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, Northeast monsoon, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.