Misis pinagputol-putol, tinalupan at inalisan pa ng laman-loob ni mister

By Justinne Punsalang March 12, 2018 - 04:26 AM

 

Courtesy QCPD-CIDU

Karumal-dumal ang sinapit ng isang 46-anyos na misis matapos itong patayin, pagputul-putulin, talupan at tanggalan pa ng laman-loob ng kanyang tila naburyong na mister sa Quezon City.

Kinilala ng mga tauhan ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Heidi Estrera ng Barangay Holy Spirit, QC na hati-hati na ang katawan nang datnan ng mga otoridad.

Sa pagsisiyasat, nadiskubreng bukod sa tinanggalan ng mukha at dibdib, biniyak pa ang ulo ng biktima at pinutol ang magkabilang kamay at paa.

Sa tila wala sa katinuang salaysay ng mister na suspek sa karumal-dumal na krimen na si Orlando Estrera 43-anyos, naging matindi umano ang kanyang pagkaburyong sa buhay dahil sa maraming problema.

Nagawa niya aniyang patayin at buksan ang loob ng katawan ng kanyang misis sa pag-aakalang ito ay nagdadalantao.

Umaasa umano ang suspek na makikita sa loob ng tiyan ng kanyang misis ang kanilang magiging-anak ngunit ito ay nabigo.

Bukod sa pagbiyak sa katawan ng kanyang misis, nagawa pa nitong putulin ang iba’t ibang bahagi ng katawan nito at hiwain ang maselang bahagi ng katawan.

Aminado sa krimen ang mister sa kanyang ginawang krimen.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.

Inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong parricide laban dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.