Schedule ng mga klase sa Albay, balik-normal na

 

File photo

Simula ngayong araw ng Lunes, March 12, ay babalik na sa normal ang mga klase sa mga paaralang ginamit na evacuation centers sa Albay.

Ito’y matapos ibaba na sa alert level 3 ang sitwasyon sa Bulkang Mayon, at payagang makauwi ang mahigit 60,000 na evacuees sa kani-kanilang mga tahanan.

Ayon kay Albay public safety and emergency management office chief Cedric Daep, handa nang tumanggap muli ng mga mag-aaral ang mga nasabing paaralan dahil nilinis na rin ang mga ito ng mga evacuees na gumamit ng mga silid-aralan at pasilidad.

Ang paglilinis sa paaralan ay bahagi na rin ng cash-for-work program ng Department of Labor and Employment (DOLE), pati na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga apektado ng pag-aalburoto ng bulkan.

Nangangahulugan ito na tumanggap sila ng sahod para sa naturang gawain.

Samantala, nanatili naman sa iba pang mga evacuation centers ang tinatayang nasa 2,000 pamilyang residente ng mga lugar na napapaloob sa six-kilometer danger zone.

Read more...