Psychiatric evaluation remark ng UN Human rights chief vs Duterte ‘uncalled for’ ayon kay Lacson
Binatikos ni Senador Panfilo Lacson ang komento ni United Nations human rights chief Zeid Ra’ad Al-Hussein na nagsabing nangangailangan nang magpatingin sa espesyalista si Pangulong Rodrigo Duterte para magpa-psychiatric evaluation.
Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na hindi dapat sinasabi ng isang mataas na opisyal tulad ni Al Hussein ang mga naturang pahayag.
Paliwanag ni Lacson, isang mataas na opisyal si Al Hussein at mataas rin ang pinag-aralan nito kaya’t hindi ito dapat nagbibitiw ng mga ganitong uri ng salita.
Paliwanag pa ng senador, kung naging maanghang ang mga binitiwang salita noon ni Pangulong Duterte laban sa UN official, ay hindi naman nararapat na insulto rin ang ibato nito bilang ganti sa pangulo.
Bukod pa dito, hindi rin aniya nararapat na magmula sa isang dayuhan ang mga ganitong uri ng pananalita na bumabatikos sa presidente ng Pilipinas.
Matatandaang makailang ulit nang minura at ininsulto ng pangulo ang United Nations at ilan pang matataas na lider dahil sa pakikialam umano ng mga ito sa kanyang kampanya kontra droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.