Barangay Captain, arestado sa pagpatay ng abogado

By Kathleen Betina Aenlle October 05, 2015 - 06:22 AM

Real CalambaArestado ang kapitan ng isang barangay sa Calamba City, Laguna dahil sa pagpatay sa isang abogado na opisyal rin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), walong taon na ang nakakaraan.

Hinuli ng mga pulis si Florencio Morales Jr. sa mismong opisina niya sa barangay hall ng Real, kasama ang kaniyang bodyguard na si Bernard Palacio.

Hinainan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Morales ng arrest warrant na inilabas ni Calamba judge Antonio Manzano para sa kasong pagpatay sa presidente ng IBP Laguna na si Demetrio Hilbero noong June 2007.

Ayon kay CIDG director Chief Supt. Victor Deona, isa si Morales sa top 20 most wanted persons sa Calabarzon.

Naaresto naman ang kaniyang guard na si Palacio dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong .357 revolver na may lamang bala.

Noong 2011, naaresto na ang dalawa pang ibang suspek samantalang pinaghahanap pa rin ang isa pa nilang kasabwat.

Pinatay si Hilbero malapit sa kaniyang opisina sa Calamba City matapos niyang magsimba sa St. John the Baptist Church.

Si Hilbero ang dating political adviser ng dating kandidato sa pagka-alkalde na si Joaquin Chipeco, laban kay Calamba City councilor Moises Morales noong 2007 elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.