Barangay sa Davao City, sorpresang binisita ni Pangulong Duterte

By Jay Dones March 12, 2018 - 12:04 AM

 

FB/SAP Bong Go

Sorpresang binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente ng isang barangay sa Davao City dakong alas 5:00, Linggo ng umaga.

Sa isang Facebook post ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go, makikita ang mga larawan ng pangulo na naka-polo shirt at kasamang nagpapakuha ng litrato sa mga residente ng Barangay Bucana.

Bukod sa pagpapakuha ng larawan, nakipagkwentuhan rin ang pangulo sa mga residente at mga informal settlers sa lugar.

Nagbigay rin aniya ng pinansyal na tulong si Duterte sa mga residente, ayon kay Go.

Paliwanag nito, hindi na bago sa pangulo ang biglaang pagbisita sa mga residente ng Davao City.

Sa loob aniya ng nakalipas na dalawampung taon, kahit alkalde pa lamang ang pangulo ay na itong pumapasyal sa mga lugar sa sa lungsod upang makihalubilo, makipagkwentuhan at magbigay ng tulong sa mga residente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.