Sa Rwanda: Simbahan tinamaan ng kidlat, 16 patay higit 140 sugatan

By Jay Dones March 11, 2018 - 10:02 PM

 

Hindi bababa sa labing-anim katao ang namatay makaraang tamaan ng malakas na kidlat sa isang simbahan sa bansang Rwanda.

Ayon sa ulat, nangyari ang trahedya sa simbahan ng Seventh-Day Adventist Church sa bayan ng Gihemvu sa bulubunduking bahagi ng southern district ng Nyaruguru.

Nasa kalagitnaan ng pagsisimba umano ang mga biktima nang biglang tumama ang malakas na kidlat sa compound ng simbahan.

Dahil dito, agad na nasawi ang labing-apat sa mga nagsisimba samantalang sa ospital na binawian ang dalawang iba pa.

Bukod sa mga nasawi nasa higit 140 katao pa ang isinugod sa ospital sanhi ng lightning strike.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.