UPDATE: Ginang pinatay, pinag-putol putol ang katawan ng sariling mister sa QC

By Justinne Punsalang March 12, 2018 - 12:40 AM

Courtesy: QCPD-CIDU

Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang mister ang kanyang sariling asawa sa tapat mismo ng kanilang tahanan sa Republic Avenue na sakop ng Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Heidi Estrera, 46 na taong gulang.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, natagpuan nilang putol-putol ang ilang bahagi ng katawan ni Estrera, partikular ang paa nito na ipinilit ipasok sa kanyang hiniwang tiyan.

Mistula ring binalatan ng suspek ang ilang bahagi ng katawan at maseselang bahagi ng biktima.

Labas rin ang laman-loob ng ginang at wasak rin ang ulo nito nang datnan ng mga otoridad.

Hindi pa malinaw kung paano nag-ugat ang krimen.

Sa ngayon ay kasalukuyan nang hawak at iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 ang mister ni Estrera na kinilalang si Orlando Estrera.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.