Babae kinasuhan ng 9 counts ng sexual assault sa Hawaii

By Justinne Punsalang March 11, 2018 - 06:49 PM

 

File photo

Limang counts ng second-degree sexual assault at apat na counts naman ng fourth-degree sexual assault ang isasampa laban sa isang Japanese national na kasalukuyang nasa Hawaii.

Ito ay matapos niyang halayin ang isang 16 na taong gulang na Japanese exchange student sa loob mismo ng kanyang pinaparentahang boarding house para sa mga kapwa Japanese nationals.

Kinilala ang suspek na si Rika Shimizu, 36 na taong gulang na kumukuha ng mga exchange students para mag-aral sa Hawaii.

Ayon sa biktima nito, mula October 2017 hanggang February ngayong taon ay ginagahasa siya ni Shimizu.

Aniya, tinatakot umano siya ng suspek na babaligtarin at sasabihing ang menor de edad ang nanghalay sa kanya kung magsusuplong sa mga otoridad.

Binantaan rin umano ito na ipa-eexpell mula sa pinag-aaralang eskwelahan kung magsusumbong.

Dahil sa mga pag-atake ay nagtamo ang biktima ng head injury na dahilan upang maging bed ridden ito ng ilang linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.