French Navy Ship, may goodwill visit sa Pilipinas

 

Nakatakdang dumaong sa Pier 15, South Harbor, Manila ang French Navy Ship (FNS) Vendemiarei (F734) na may lulan na isang helicopter para sa goodwill visit sa Pilipinas simula bukas, Marso 12 hanggang ika-16 ng Marso ng 2018.

Ang FNS ay nasa ilalim ng command ni Commander Alexander Blonce.

Ang nasabing barko ay isang Floreal-Classlight surveillance frigate ng French Marine Nationale o French Navy.

Ang mga delegado ng Philippine Navy ay maghahandog ng Customary Welcome Ceremony sa pagbisita ng nabanggit na barko at susundan naman ng port briefing hinggil sa security and Health sa mismong French Navy ship.

Nakatakdang dumaong ang FNS alas 8:00 ng umaga ng lunes.

 

Read more...