Pulis at tulak ng droga patay sa engkwentro sa Bulacan

By Justinne Punsalang March 11, 2018 - 04:41 PM

 

Hindi na umabot pa nang buhay sa ospital ang isang pulis matapos maka-engkwentro ang isang drug suspek sa Norzagaray, Bulacan.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO3 Ronaldo Legaspi.

Ayon kay Police Superintendent Gerardo Andaya na siyang hepe ng Norzagaray Police Station, nagsasagawa ng buy bust operation ang kanilang mga operatiba laban kay alyas Jay-R sa Barangay FDR sa kanilang bayan nang maganap ang insidente.

Aniya, matapos ang transaksyon ay natunugan umano ni alyas Jay-R na pulis pala ang kanyang katransaksyon, dahilan upang apat na beses paputukan sa tiyan at dibdib si Legaspi.

Dahil dito ay gumanti rin ng putok ang mga kasamahang pulis ni Legaspi na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Narekober mula kay alyas Jay-R ang anim na sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre 45 baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.