Miami Heat tinalo ang Washington Wizards; Wade nagtamo ng injury

By Justinne Punsalang March 11, 2018 - 04:36 PM

 

nba.com

Wagi ang Miami Heat kontra Washington Wizards sa kanilang naging laban ngayong araw sa balwarte ng Heat.

Ang final score ng kanilang laro, 129-102.

Pinangunahan ni James Johnson ang Miami Heat matapos nitong magtala ng 20 na puntos.

Sinundan naman siya ni Wayne Ellington sa pamamagitan ng 17 points.

Pare-parehong 13 points naman ang ibinigay nina Tyler Johnson, Josh Richardson, Rodney McGruder, at Kelly Olynyk

Samantala, naitala naman ni Dwayne Wade ang kanyang 8,000th field goal para sa kanyang buong karera bilang professional basketball player.

Ngunit pagpasok pa lamang ng fourth quarter ay kinailangan niyang magpahinga matapos magtamo ng mild hamstring strain sa kanyang kaliwang binti.

Para naman sa Wizards, nanguna si Jodie Meeks matapos nitong makapagtala ng 23 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.