Negros Oriental, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol
By Angellic Jordan March 11, 2018 - 01:32 PM
Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Negros Oriental dakong 1:01, Linggo ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol sa layong 16 kilometers North ng Bais City.
May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang pinagmulan.
Bunsod nito, naramdaman ang pagyanig sa Intensity III sa Tanjay City at Mabinay habang Intensity II naman sa Bais City sa naturang lalawigan.
Wala namang naitalang pinsala at aftershocks sa mga kalapit-bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.