Bilang ng mga napapatay na BIFF members, aabot na sa 44

Inquirer file photo

Umakyat na sa 44 ang bilang ng mga napatay na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa sumiklab na sagupaan sa tropa ng pamahalaan sa Maguindanao.

Sa isang panayam, sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army Civil Military Operation, tumaas ang bilang sa 44 mula sa huling datos na 23 noong Biyernes.

Aniya pa, 26 miyembro ng BIFF ang sugatan sa bakbakan sa iba’t ibang bahagi ng Maguindanao, partikular sa Datu Unsay Ampatuan at Datu Saudi Ampatuan.

Bunsod nito, libu-libong residente ang pansamantalang lumikas.

Magpapatuloy aniya ang military operations sa lugar hangga’t hindi napapatumba ang mga rebelde.

Matatandaang nagsimulang sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga sundalo at BIFF noong Huwebes.

Read more...