9-anyos na batang babae, ginahasa at pinatay ng kapitbahay sa South Cotabato

By Ricky Brozas March 11, 2018 - 01:05 PM

Credit: Google

Arestado ang isang lalaki na sinasabing gumahasa at pumatay sa 9 na taong gulang na kapitbahay nito sa bayan ng T’ boli, South Cotabato.

Nabatid na nawala ang bata sa gitna ng selebrasyon sa kapistahan ng bayan.

Nagtagal pa umano bago mapansin ng kanyang pamilya na hindi pa nakakabalik ang bata, pero inakala nilang namasyal lang ito sa peryahan o pumunta sa mga kamag-anak.

Huwebes nang matagpuan ng mga pulis ang bangkay ng bata sa damuhan sa likurang bahagi ng tindahan nila.

Malaking sugat sa maselang bahagi ng katawan at kaniyang tiyan ang tinamo ng biktima kung saan kinumpirma ng mga otoridad ba ito’y ginahasa.

Nitong biyernes ay naaresto ang suspek na hindi pa pinangalanan matapos magsumbong ang isang testigo na pag-aari nito ang mga damit na nakuha sa crime scene.

Dagdag ng testigo, ilan pang duguang damit ang nakita niya sa basurahan sa likod ng bahay ng suspek.

TAGS: South Cotabato, T’ boli, South Cotabato, T’ boli

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.