Kumakanlong sa Abu Sayyaf patay sa engkwentro sa Sulu

By Justinne Punsalang March 11, 2018 - 12:55 PM

Dead-on-the-spot ang isang lalaki na hinihinalang kumakanlong sa Abu Sayyaf Group (ASG) matapos maka-engkwentro ang Marine Battalion Landing Team 1 sa bayan ng Luuk, sa Sulu.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Philippine Marine Corps, alas-5:10 ng umaga ng Sabado nang maganap ang palitan ng putok sa Barangay Tubi Puti.

Kinilala ang sinasabing coddler ng ASG na si Muksidin A Dadil.

Narekober mula dito ang isang rifle magazine, pitong bala ng 7.62mm, dalawang basyo ng 7.62mm, dalawang bala ng kalibre 30, combat webbing, apat na uniporme, dalawang cellphone, at tatlong identification cards.

Itinurnover na ang bangkay ng napatay na si A Dadil sa officer-in-charge ng barangay para sa paglilibing nito.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Marine Ready Force-Sulu commander Colonel Armel Tolato na handa silang tanggapin ang mga bagbabalik loob sa pamahalaan, ngunit patuloy naman nilang tutugisin ang mga rebelde at teroristang mananatiling kalaban ng gobyerno.

TAGS: ASG, philippine marine corps, Sulu, ASG, philippine marine corps, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.