Dalawang sundalo, sugatan matapos ang engkwentro sa Batangas

By Angellic Jordan March 11, 2018 - 12:26 PM

Inquirer file photo

Sugatan ang dalawang sundalo matapos maka-engkwentro ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Balayan, Batangas.

Naganap ang engkwentro nang umatake ang grupo ng mga rebelde para sa selebrasyon ng founding anniversary ng NPA sa bahagi ng Barangay Patugo dakong 8:30, Sabado ng umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ni Col. Teody Toribio, tagapagsalita ng AFP Southern Luzon Command, nagtamo ng minor injuries ang mga sundalo.

Aniya, may nakalap silang ulat na mayroon ding sugatan sa panig ng mga rebelde.

Sa ngayon, stable na ang kondisyon ng dalawang sundalo at patuloy na nagpapagaling sa military hospital.

TAGS: AFP Southern Luzon Command, Balayan, Batangas, Col. Teody Toribio, NPA, AFP Southern Luzon Command, Balayan, Batangas, Col. Teody Toribio, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.